KALISKIS NA ULAP

mackerel sky

Noon Hulyo 15, 1852, isinulat ni Henry David Thoreau ang sumusunod sa talaarawan niya:

Lumubog na ang araw. Nasa bukid kami na pagmamay-ari ni Dennis. Mabilis na nahuhulog ang hamog. Ilang pinong ulap na hindi lumapot at naging hamog ang nakalambitin sa mga saya ng araw at namamalamuti sa kanlurang bahagi ng ating langit,—iyong bahagi ng buong kalangitan sa araw na ito na nakatakas sa mga kuko ng gabi at hindi masyadong lumapot kaya hindi nahulog sa lupa. Napakapino nilang patse-patseng ulap, mga nag-gagandahang kaliskis na ulap—langit na wari mo’y winisikan ng brotsa, na ang balangkas ng kabuuan nito’y tulad ng ilang malalaking sanga ng mala-abanikong koral.

May apat na beses pang inilarawan ni Thoreau ang “kaliskis na ulap” sa kaniyang talaarawan: Hunyo 18, 1853; Oktubre 30, 1852; Enero 19, 1859; Marso 12, 1859; at Pebrero 8, 1860.

Ganito si Thoreau. Naglalakad. Tumitingin sa mundo. Itinatala ang nakita niya sa mga kuwaderno. At tumitingin muli.

Ang Kaliskis na Ulap ay kanlungan ng mga nakita at nabatid ni Thoreau na isinalin sa Filipino.

Tungkol sa Kaliskis na Ulap

Ang larawan sa itaas ay kuha ni Andrew Fogg.